Linggo, Hulyo 31, 2011

Sorry seems to be the hardest word?

Sorry seems to be the hardest word..




Ang hirap nga sabihin ng salitang Sorry, pero alam mo yung pakiramdam na nasabi mo yun sa taong alam mong may nagawa kang kasalanan. parang isang malaking fulfillment na yun sa buhay mo. Atleast paunti-unti alam kong magiging okay din ang lahat sa pagitan ng mga taong nasaktan ko.

Sabi nga ng mga kaibigan ko, simulan mo muna kasi mag sorry sa sarili mo, alamin mong tumangap ng kamalian, know how to commit and know how to respect your self. Atleast that time ready kana sa mga magiging desisyon mo. At higit sa lahat, dapat pinag iisipan ng paulit-ulit ang mga desisyong bibitiwan mo..  :D

Malalaman mo lang daw yung halaga ng isang tao pag nawala na sya sayo. Pagkatapos mong gumawa ng maling desisyon dun mo lang maiisip na sana hindi ko nalang ginawa ang maling desisyon. Alam mo yung tipong sana pala paulit-ulit mong pinag isipan yung mga hakbang na gagawin mo...

Ang hirap sabihin nung salitang sorry, lahat naman ng tao may pride, sino ba naman ang wala?. Pero kailangan e,wala siguro mangyayari kung hindi mo sasabihin yung salitang "SORRY".

Ang higit sa lahat ay matuto tayong tangapin ang ating kamalian, learn from our mistakes, wag na natin gawin ang alam nating makakasama sa iba o sa sarili natin.

"Mahirap man sabihin ang salitang sorry, pero sa taong mahalaga sayo ay magagawa mo".- Leo Arciaga

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento