Sabado, Hulyo 30, 2011

BLANGKO

Isang gabi na naman ng pinaka-aabangan kong RESTDAY sa trabaho, nagising ako around 11 ng gabi hindi ko malaman kung anong gagawin ko, yung tipong gusto ko kumain, mag computer, manuod, gumimik at mag inom, lahat kung pwede lang pag-sabaysabayin ay ginawa ko na. Bigla nalang ako napatahimik sa-aking kinahihigaan, napa-isip nang kung anu-anong kamalian, kagaguhang pinag-gagawa ko.isang malaking haaaaaaaay ang nai-tugon ko. Ang hirap pala nang ganito, yung tipong alam mong may taong nasasaktan, nasisirang pag-kakaibigan dahil sa isang desisyong ginawa mo.

Oo, nasa huli nga ang pag-sisisi, pero naisip ko lang na isa sa mga dahilan ng mga pag-sisisi na ito ay ang kawalan ng pagkakuntento nang tao sa isang bagay, lagi kasi tayong nagmimithi na makamtan ang isang bagay ng mabilisan, ngunit kapag nakuha mo na ay naghahanap ka parin ng bago, hindi natin namamalayan na maraming tao na pala ang nasasaktan dahil sa kawalan natin ng pagkakuntento.

Habang nakahiga parin ako sa aking kinahihigaan, bigla ko din naisip kung ano nga ba ang dapat na gawin para maituwid ko ang mga pag-kakamaling nagawa ko. At sa totoo lang wala ako maisip, hindi ko alam ang sagot sa mga tanong, Pinagdarasal ko na lang na mabigyan ako ng TAMANG pagkakataong makausap ang mga taong may sama ng loob sakin. Ang bigat kasi sa pakiramdam na alam mong nag-sasaya ka sakabilang banda ay may taong malungkot nang dahil sayo.

Pagkatapos kong mag muni-muni bumangon na ako at kumain, naisip ko na naman na restday ko ngayon pero parang wala akong magawa,nakakatamad yung tipong mababaliw na ako, gusto ko maging masaya ,mag pakasaya at sumaya.

Buti na lang pag bukas ko ng TV ay bumungad sa mga mata ko ang paborito kong  palabas ang bananasplit, bahagyang nagkaroon ng ngiti ang mukha ko. naisip ko din na kung mag-iinom o gigimik pa ko ay masyado nang gabi para umalis pa ng bahay kaya nag desisyon nalang ako na mag computer.

Bigla ko nalang naisip na mag post dito sa Blogspot, ngunit wala naman akong topic na maisip, dahil sa pakiramdam ko ay BLANGKO ang utak ko. At napansin ko lang nagawa ko ang mga bagay na nauna kong naisip pag kagising ko pa lang, ang kumain, manuod, mag-computer, at gumimik. Sa puntong ito masasabi ko na ang mga bagay na gusto mong gawin ay may tamang oras, panahon at pag-kakataon. Mahalagang pag-isipan muna ang magiging aksyon bago sumabak sa isang giyera. May pag-sisisi man sa huli ay may tamang panahon at pagkakataon pa rin naman para maituwid ito, wag mawalan ng pag-asa, sabi nga ng Meralco "May liwanag ang buhay".

Tama na ang drama, Life goes on....

"Makuntento ka sa isang bagay kung ayaw mong mawala ang mga bagay na naging bahagi na ng buhay mo." -Leo Arciaga

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento