LIVE LIKE WERE DYING, Naisip mo na ba na sa isang iglap ay maaaring matapos, mag wakas ang buhay mo?, mahirap o masakit mang tanggapin yun ang katotohan.
Live life to the Fullest sabi nga nila, Once in a while ang sarap gawin ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa sa tala ng buhay mo. Sa dinami- rami nang pagkakataon na maaari mong gawin ang lahat nang iyon ay bakit hindi mo pa ginawa?, base na din sa aking sariling opinyon "bata pa naman ako madami pang pagkakataon para sa ibang bagay, hindi ko man gawin ngayon, pwede naman bukas, sa isang buwan o sa isang taon". Ngunit sa aking pag iisip biglang humagi sa aking isipan pano kung maya- maya ay mayroong mangyaring masama sa akin?, ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko.
Naalala ko bigla, our shift was about to start. I was pulling up my tools in my station, and then bigla ko narinig yung supervisor ko " Oh my god Tasja, what happened to you?" I was wondering ano nga ba ang nang yari kay Tasja (seat mate ko siya sa work). Pag lapit ni Tasja sa station namin, nakita ko agad ang malaking sugat sa mukha nya at hirap siyang maglakad, tinanong ko agad siya, "O anu nangyari sayo?". Sagot ni tasja "naaksidente kami sa motor, nahulog kasi yung phone ko., akala ko nga mamamatay na ko, natakot ako ng sobra, bigla ko nga naisip ang dami ko pa hindi nagagawa sa buhay ko sayang naman. Para tuloy gusto ko nang mag asawa(pabirong salita nya.)".
Hindi mo nga malalaman kung anong pwedeng mangyari sayo sa susunod na segundo, minuto, oras, araw, buwan, o taon. Kaya hanggang maaga mas mabuti na sigurong gawin na natin ang mga bagay na alam nating nais natin gawin, alam nating magiging masaya tayo. Yung tipong masasabi mong "masaya ako dahil nagawa ko to". Gawin nating masaya ang buhay natin, make the most out of it. Pero syempre ang bawat bagay ay may limitasyon, hindi mo man mapagtagumpayan ang isang bagay atleast you know for a fact na sinubukan mo at wala naman mawawala, instead nadagdagan pa nga ang mga bagay na sinubukan mong gawin sa buhay mo.
Sabi nga sa kanta ni Kris Allen " Yeah, we gotta start lookin' at the hands of the time we've been given If this is all we got, then we gotta start thinkin' If every second counts on a clock that's tickin' Gotta live like we're dying. We only got 86 400 seconds in a day to Turn it all around or to throw it all away. We gotta tell 'em that we love 'em while we got the chance to say Gotta live like we're dying". Hindi bukas o sa susunod na araw ang oras para ipadama mo sa mahal mo sa buhay na mahal mo sila, hindi bukas o sa susunod na araw ang tamang araw para simulan o gawin ang mga bagay na alam mong makakapag pasaya sayo. LIVE LIKE WERE DYING.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento